
The problem . . .
is that people have failed to learn proper skills in problem-solving and interpersonal relationships. They don’t cope well with pressure and dissapointment, nor resolve conflict successfully. They “cop out,” run and seek “greener pasture” elsewhere. It’s the American way. And why? Because “family,” the basic training structure, has lost its main purpose and failed to function properly.
halos 15 years na ang nakalipas ng nangyari ito sa sarili kong pamilya, ng maghiwalay ang mga parents ko grade 5 ako non, masyadong pa akong bata at naguguluhan sa mga pangyayari, madaming tanong na di kayang sagutin ng mura kong isipan, basta ang maliwanag lang sa akin noon iniwan nila kami at pinabayaan, walang ibang inisip kungdi ang mga sarili lng nila…sa buong 14 years habang ako ay nagkakaedad at nagkakaisip aminado ako sa sarili ko na na puno ako ng galit tanong at panunumbat sa sarili kong magulang, bakit kailangang ganun ang mangyari? na bakit biglang naputol ang mga pangako na hanggang sa huli magkakasama at magdadamayan sa hirap at giinhawa, sa isang kurap nawala lahat na parang bula..
“GALIT” dahil sa ginawa nilang pag iwan sa amin, na di man lang kami tinanong or ipaliwanag kung bakit ganun ang dapat na mangyari… “TANONG” na bakit hindi man lang nila sinubukang ayusin, para na lang sa aming mga anak nila, na bakit mas pinili nila na bumuo ng bago nilang pamilya na kaming mga nauna ay binalewala na lang?…”SUMBAT” na sana may nanay at tatay kaming umaattend sa mga PTA meeting nong elementary at highschool, nanay na kasama every enrollment at mamimili ng mga bagong gamit sa eskwelahan, may nanay na magsasabing ang pogi namn ng anak ko,ang galing namn ng anak ko, na pag uuwi ng bahay may nakahanda ng pagkain sa hapag, tatay na sasamahan ako nong akoy nagpatuli, tatay na tuturuan ako kung paano manligaw at magpasagot ng babae, tatay na gusto kong sya ang nagturo o nagbawal sa akin kung paano manigarilyo at uminom ng alak magulang na tutulong at gagabay sa bwat desisyon na ginagawa ko, pero lahat yon wala, lahat yon ako lang mag isa sa sarili ko ang gumawa, natuto akong tumayo sa sarili kong paa, simula highschool ako na ang nag eenroll sa sarili ko at namimili ng gamit ko PTA meeting na halos pilitin ko ang kapitbahay namin na sila na lang ang umattend sa akin,desisyon na matutong uminom at manigarilyo… tumatak sa isip ko non na kailangan kong bumangon at lumaban, kailangan ipamuka ko sa kanila na maling mali sila ng naging desisyon nila na iwanan at pabayaan kami naging matigas ako at sinabi ko sa sarili ko na sa pagkikita namin ng magulang ko ipapamuka ko sa kanila lahat lahat… pero totoo pla talaga yong kasabihan na kahit ano pa ang kasalanan na nagawa ng magulang sa kanilang anak still utang na loob ko pa din kung bakit ako andito, naging mabuti or hindi man silang magulang,,,sa unang pagkakataon pagkikita namin ng aking nanay after 14 years lahat ng sinasabi kong galit, hirap, panunumbat at pangungulila ay naglaho lahat, isang mahigpit na yakap lng na di ko alam kung bakit ganon na lng kasaya ang nramdaman ko at lahat ng galit ko ay nawala ,yakap na sobrang hinanap hanap ko at hinintay ko ng sobrang tagal na ang tanging nabigkas ko na lng ng paulit ulit habang ang luha ko ay patuloy na bumababa ay “NANAY KO, NANAY KO, NANAY KO” ngayon habang ginagawa ko tong post na ito naisip ko dapat pa yata akong magpasalamat sa kanila at sa mga nangyari sa amin, dahil don naging matatag ako, kinakaya kong mag isa ang mga pagsubok at problema, at kung ano pa man ako ngayon, at kung ano ang narating ko, at mga tatahakin ko pa
“LESSON TO LEARN” mas masarap magpatuloy sa ating paglalakbay kung lahat ng galit at poot sa atin ay aalisin natin, at matuto tayong patawarin ang mga taong nagkasala at nanakit sa atin dahil sa kabilang banda malaki din ang naitulong nila sa atin kung bakit mas kinakaya na natin ang mas mahirap at mabigat na problema at responsibilidad, at mas mahimbing na ang tulog sa gabi dahil wla ka ng itinatago….